Oi mga ungas dito n nmn ulit aq… cheesy maxado ung bLoGag No.4 ni rHaN™ and bLoGag No.3 ni rHaN™, puros puso at pagkatao ko pinairl ko (nakakauta!!!). Ok ok ok, since pinaguusapan ang mga slitang balbal o salitang hiram na cheesy (galing sa pambaklang commercial ng Greenwich pizza n tumutuloy sa sa pgging sweet and emo ng lahat ng kasarian, hindi amang ng taong alangng lalaki at alangang lalaki ) e magpapaka- emo n din aq. And the story goes like this:
Nasubukan ninyo n bang magkaron ng karelasyon? (malamang oo!) tanga alam ko yun! Sa edad pa lng at tabas ng mukha, alam n natin kung meron ng karanasan sa pag ibig o wala, kung pingkakaguluhan ka ng mga tao pag umuupo ka s kanto, sa sulok, sa basurahan, s bench, sa foodcourt o simpleng nkasandal ka lng sa poste tas biglang may kakalabit sayo sabay banggit ng mga katagang “brad, 1500! Pwede k ba?” anak nang!!! WTF… HOLY SHIT!!!... sabay lalayo as if n nakakita ng zombie na malamang at malamng pag d ka umalais e uubos ng lakas mo. (FYI hndi yan ang topic natin keya wg ka na magi sip ng kung anu ano…)
Oo karamihan satin naranasan na yung salitang nainlove, nafall, natatameme, pamumula ng cheek (pag mestiza/o, pagnegro/a e wag ka na umasa, magbubyutipul eyes lang yan sila, ehem ehem.. namumula ako, di dahil s inlove aq pero mamumula ko sag alit kc umalis katulong naming at walang iniwang pagkain n luto kea aun kumain ako sa kanto, as usual pinagpyestahan n nmn ng mga bading). By the way, un n nga oo nainlove ka pero sbhin mo na LDR (Long Distance Relationship)? Malamang may mangilan ngilan na nakasubok na nun pero hindi lahat… Siguro takot n masaktan o lumalabas yung pagkatsismoso o tsismosa kasi mahilig magpadala s mga sabi-sabi ng kung sino sino about sa relation na talaga naming…… EWAN!.
Sige share ko lang yung personal na naranasan ko sa LDR na lahat ng kakilala ko eh sobra naapektuhan at halos murahin ako sa ginawa ko; May 2009 nun nasa kalagitnaan ako ng sabakan sa pagrereview para sa board exam for nurses. Niyaya ako ng isang tropng close na maginum (na naman!) sa canteen n tinatambayan naming, ako naman na hayuk s alak at libre kasi e si go lang! “Tara brad” sabi ko! Sabay tanong, “Libre ba ‘ko?”, isang sagot na pgmamalaki ko ang tropa ko “as usual” sabi nya! Wow brad, heaven! Libre na naman… (ako naman kasi gumagawa ng case study, journal, drug study, SOAPIE at thesis reports nila ng sabay sabay at due date kinabukasan, ke ok lang un sa palagay ko!). Naupo na lang ako sa kubo No, 4, medyo malaki un ng konti kesa sa ibang kubo, kasy 10 tao dun. Xmpre excited kaya aun… nauna pako s mismong taong manlilibre smin nun isang tropa ko… Habang nagaantay, dumukot aq sa bulsa ko kasi may matigas ako n nakapa tas pumipiglas (cellphone ko un, 6600 nokia na nagba-vibrate!, wag madumi isip) kya aun kinuha ko lang tapos sabay lapag sa mesa (ayoko ng may laman bulsa ko pag my session). Maya mya dumating n ung isang tropa kong babae may kasama xa, maputi, chinita, mahaba buhok and hnd naman katangkaran (turn-on ako s gnun). Tnong agad sa trop ng palihim “sino xa?” sabi tropa nya daw sabay dugtong ng tropa ko “single, 18 yrs old, taga St. Mary nagaaral and living dito lang sa Bacoor Cavite” anak ng teteng! Automatic na sila sumagot sakin kasi alam n nila mga susunod kong itatanong, kaya yun inunahan na’ko. Habang wala pa ang mga kampon ng REDHORSE at GRANMATADOR e usap usap muna kmi, infairness.. mabait sya, malambing kausap, lahat na ata na sa knya SHIIIIEEEEEET!!! Nakakabilog ng UTOT!!!... After ilang minute bago dumating sila, hayun dumating n ang mga tropa ko na feeling F4 s paglalakad pagkatpos bumaba s chikot ng isang tropa ko. “hanep brad. Angas ng bagong wheels ha” sabi ko sa may-ari kasi halos every month ata nagpapalit si ungas ng kotse. (san na nga ba ulit tayo? Nawala ako sa concentration nun napanuod ko ung MTV sa utube ni Lady Gaga, ung nasa loob xa ng modernong kabaong ata un n parang malaking lalagyanan ng sabon na ewan..)
Ayon edi simula na magshot-shot, maya-maya pa sumunod na yung iba… shot dito shot jan, tawanan ditto tawanan jan pero sila lang ksi d ako mapalagay nung oras na un na parang ako si MOMONJA (alien na bilog na kulay blue na may mala sungay na buhok) sa palabas na MOJACKO (un alien n bilog n kulay orangepagnababasa e ngigigng parang nirolyo ng isan daang beses na minasang harina, basta nagging flat sya) na pg nasa tabi nya si MOJARI (kulay pink, kapatid ni mojacko) e ntatame at pag nadidikitan ay nagiging bato! (SHIIIEEET, ako un!).
Nagyaya xang umuwi na sa tropa ko n nagdala sa kanya kea natauhan ako bigla, nagsabi ako kung pede ko xa iuwi (sa bahay nila) at sabi nya “oo naman”, buti na lang tipsy na ung tropa ko kea ako n lang mag-is naghatid. Malapit lang din bahay nya kea quicky lang kmi, nakarating agad kami sa knila. May lahi pala silang bisaya, dahil narinig ko silang nagusap ng parents nya. D nako maxado lumapit sa parents nya kasi mangangamoy alak ako, mahirap n baka ano pa sabhin. Bago kami maghiwalay hiningi ko no. nya ng personal (auko kc kinukuha un no. na padadaanin pa sa iba, baka kasi pag dating sayo nung numero e kung hndi kulang ng isang digit e iba na ung number kaya ganun). Sumaglit ako sa tambayan at ayun nakangisi ang mga kumag sakin, sabay sabay lingon nun pagdating ko. “palung-palo ka rhan ha!’ banat ng isa kong tropa tas my bumanat pa “rhan, ikaw b yan?, di kami sanay” sabay tawa… Di ko n lng pinansin tapos sabay iba ng uspan. Isng oras pa tinagal nmin and medyo senglot na rin ako dhil mabilis un ikot ng baso ke mbilis un tama with matching mataas n shot ng GRANMATADOR™ at ang chaser REDHORSE™, tamang trip kaya halos lahat kami nabangenge pauwi.
NASA JEEP PAUWI:
Ung jeep na sinakyan namin after 30 minutes na pagaanty e msasabi ko namang pede na lang ng isang byahe at gagarahe na, gagarahe n sa junkshop kasi sa sobrang liit lang nya na mbgal un takbo at my squeaky sound k pang maririnig sa bawat kadyot nun jeep. Kahit na maliit at mabagal un jeep e swerte naman dahil apat lang kmi n kasakay sa likuran plus yung driver pa kya nakakabawas stress. Medyo traffic nun kea sobrang bagal yung takbo ng jeep kaya nagkwetuhan kami ng tropa ko tapos yun bf nya na kasma kasama nya. Nung una pa lang e di mo mpaghahalataang lasing tong trop kong babae kc aus pa xa maglkad at walang bkas ng pgkalasing pgmumukha nya tas after naming sumakay sa mala-pedicab na andak ng jeep na wala pang 100 metro un nttakbo e bgla na xa npasandal sa kamay n nakahawak sa hawakan sa bandang bubong ng jeep at pumikit, ako naman cge lang gumaya na ko kasi lasing na din aq nun. Maya mya pa, umuungol n ung tropa ko na parang tumatawag ng espiritu ni GRANMA at PULANG KABAYO, di ko xa pinansin kc katbi nya naman BF nya at ako nakaupo sa harapan nil ng biglang may sumuka, pagtingin ko yun na, un tropa ko sumuka ng kulay brown na parang yogurt na ewan at ang masama pa dun bwisit! Sumabit sa pantalon ko ung suka nya, e nkaputi pako nun n pants tas white shoes, sinasbi ko senyo nawala yung pagkalasing ko kya ang ending bumaba kami sa jeep na sinasakyn nmin kasi may nagbbadyang second blow. After painumin ng tubig at magpahinga s upuan sa tbi ng kalsada at mahimasmasan ay umuwi nko na puro suka ang pantalon ko.
PAGDATING BAHAY:
Diretso kama, pahinga konti, tas ligo, humarap sa salamin, ininspect ang abs bka may kumuha, so far ok p nman that tym. Pagbukas ko ng friendster (di pa ‘ko in sa facebook nun kea eto muna) para magcheck ng “mga” accounts ko e may familiar na babae ang nag-add sakin sa FS, viniew ko xa at HOLY COW!!! Xa un! Xa ung tropa ng tropa ko na nakadekwatro ang upo t bird’s-eyeview ang kuha sa primary photo nya...WTF dali dali ko inadd xa sa FS na halong kilig up to the bones kasi nakaprivate un profile nya kea aun. Buti n lang my extra load pko kc globe aq that time (pag single ang mga tao lagi nakaglobe, tama nga naman, pg IN RELATIONSHIP nman naka-Sun yan) tpos xa Smart (nangangain ng load!), hindi rin ksi ako maxado nagloload nun siguro pag kailangan lng tlga tsaka ko magloload (kasi nga singlelings ako nun), Tinext ko xa in this format na hindi ko tlga pede makalimutn: “Haiii.. mUsta n U? mamats sa add U s friendster mE J” (WTF, everytym n naiisip ko yung txt n un e di ko maiwsang mtawa dahil hndi ako gnung tao at gnun kbaduy sa txt, siguro dahil sa kilig at ang utak ko napunta sa talampakan). Hayun nagreply naman xa na sobrang hndi ko din makakalimutan ang malambing na mcg nya na “np” (no problem) wow! heaven pare, para kong lumulutng sa hangin (dala siguro ng ininum namin). To make the story short kung pano kmi nagkaron ng regular communication aside sa cp at sa makulay n mundo ng smiley (friendster) e d ko sasabhin n nabuhay kami sa tulong ng YM. Chat chat kami every night with webcam pa un (asensado kmi e), walang mintis sa loob ng isang buwan. Tulad ng isang modernisadong nilalang kung saan nilamon dn ako minsan ng teknolohiya ng cellphone, chat at internet rason para sa cellphone ako mag ask kung pede ako manligaw sa kanya, sabay reply ang matamis nyang “np”, Wow heaven na naman ako!... sobrang naapreciate ko ung bwat reply nya na sibrang gusto ko isave sa inbox, hanggang sa mapuno ung inbox ko ng “np” “np” “np” “np”…
Dumaan ang mga araw, at nagIging ok naman un panliligaw ko sa kanya, hanep brad, di tulad ng ibang babaeng niligawa ko before e hndi naman sumakit un bulsa ko s kanya kung baga budget meal sa kanya ok na un! Solve na xa… One day, ilang araw na lng bago dumating ung board exam ko dumating un pinaka aantay kong araw, yung araw na makakamit ko ang nmatamis nyang oo! (cheesy!), as usual since hiningi ko permission nya through net kya binigay nya dn yun sagot nya through net din ke quits na kami. Sobrang heaven yung feeling ko nun na parang ako na yata ang pinakapoging lalaki sa mundo. Hayun, Masaya naman yung relasyon namin nun, AS IN!!! pero nagulat na lang aq isang ng my ipagtapat xa sa sakin, na they need to move from Cavite to Davao. Para kong binagsakan ng sampung bloke ng yelo sa ulo kasi di ko alam gagawin and dahil na rin sa mga naririnig kong balita about LDR (tsismoso din aq, ksi nkkinig aq sa sabi sabi ng ibng tao) haist! Dumating ung araw na aalis n xa kea I have to be tough enough para di magpakita ng weakness o kahit anung awkward reaction since pumayag kami sa isang decision n di kami sigurado, bahala na si batman sa decision namin basta wg lang kming mawla sa isat isa at ito ung pag pasok sa mundo ng LDR (LONG DISTANCE RELATIONSHIP). Yup, alam namin ung mga consequences ng relation n pinasok nmin, pero sabi namin TRUST + HONESTY is ok na, kea ok na, pede na ikasa ang baril. Sobra sakit nung nkkita ko xang umaalis na qusto maging si Lastikman at pahabain un kamay mo then kunin mo xa papunta sau para yakapin, kaso hndi, normal na estudyante n wala pang trabaho ang dating ko nun kya di ko pa kaya pngatawanan ung relasyon nmin.
As a usual routine everynight na magkausap sa net wid matching webcam pa ay natuloy lang na parang nasa cavite pa rin xa. Dito na nauso sakin ung sim na Sun Cellular (sobrang sulit! And maxadong gamit talaga sa mga may status na ‘IN RELATIONSHIP’’ sa fb or fs kasi ultimo pagatae ko nasasabi ko sa kanya, pati pagligo, pagtootbrush, pagtulog, pagbabasa, soundtrip, gala, dagdag mo pa ung tinatawag naming “hang-up”(magkausap haggang sa makatulog pareho hanggang sa magising na nakahang ung cellphone nya kc naghihilik pa). Papasok xa sa bago nyang skul nun pag kagising sa umaga tawag, bago at pagkatapos tawag, paalis ng bahay ttawag, nas jeep magkausap, bgo pumasok ttawag, nasa laboratory (pede phone sa kanila, lagi walang prof.)magkausap, in between subjects magkausap, uuwi ng bahay magakausap, nasa bhay magkausap bgo matulog magkausap. Ayun ang pattern ng twagan naming, walang mintis, ero darating padin ung point na kahit magkausap kayo halos bente-kwatro oras e parang (hndi parang) kulang tlga. Maraming pumapasok sa isip ko n bagay about sa kanya kasi hindi ko nmn xa nakkita o nababantayan ung mga gngwa nya para masabi kong safe ang relationship naming kya siguro di mo/ ninyo/ kayo/ sya ako masisisi kasi sobrang nakakabaliw ang LDR ( isa sa sumpa ng LDR).
Di ko inaasahan na darating yung time na mangyyari tong bgay na to na shes askin asking for a break up! (di ko inaasahan ksi sobrang smooth sailing un relasyon nmin, walang floss pero siguro may konti kasi napag uusapan nman nmin regading the selos and suspicion of both party sa isat isa. D nya sinabi ung main reason kung bakit xa nagdecyd to end up, kaya un ung dahilan kung bakit sobra ko nagtaka sa mga mangyayari samin. Sobra depression ko nun dahil sa at the same day na brineak nya ko e un din ung day na inilabas ng pPRC un result ng board exam ang putakte sa awa ni God bagsak ako… d ako nkapasa sa board. Sa totoo lang, hndi ko dinamdam maxado un pagbagsak ko sa board, pero ung mas matimbang e ung pagkakahiwalay naming ng walang basihan. Buti pa board exam kung bumagsak ka, alam mo un puno’t dulo na rason kung bkit ka iiyak sa sakit ksi pede mo sisihin sarili mo, pero sa love iiyak ka di dahil lng sa sakit, iiyak ka dahil hndi mo alam kung sino sisihin kung bakit ka umiiyak, its either sisihin mo sarili mo o manisi k ng ibng tao para mapanatag un puso mo. Ayon ang ending, lagi na ko umiinom, din a nakaktulog ng maaga (nasanay ksi pag kami magkausap, maagang tulog naming 1am, pinakalate e wlang tulog) kc nasanay n ktawan ko sa mga rituals and routines n gngwa nmin gabi gabi. Nasubukan mo na b gingawa mo ung isang bagay ng di mo namamalayan, ginagawa mo ksi nakasanayan mo na (I.e: magbubukas k ng yahoo messenger at exactly 10pm kahit wala ka ng rason para buksan un kasi wala n kayo tapos maiiyak k na lng kasi masasabi mo sa sarili mo na “ay wala nap la kami” WTF!) Believe me, been there done that, napagdaanan ko n yan at masasabi kong sobrang hirap. Minsan pa may instances pupusta k sa mga bgay n nasa paligid mo para masagot lng ung tanong mo na ikaw sa sarili mo di mo kaya sagutin ( i.e: may nakitang butiki sa kisame, na pag nalaglag yang buti k n yan s pagkakadikit sa kisame e babalik xa sau), mga gagong pamamaraan ng pagsagot sa mga imposibleng tanong mo sa sarli mo. Dumating na rin ba sa sarili mo na di mo magawang maligo ng straight 7 days (good un, tipid sa sabon, tutpeyst, syampu, tubig at higit s lahat tipid sa oras, pede k mag FB o FS buong araw) dahil nga wala kang gana na parang lahat ng pananaw mo sa buhay nawala o kya naman para kang normal na tao n biglang nawalan ng paa para magpatuloy sa pang araw raw na buhay mo. Believe me mga brad, tol, neng, mga ati (dibidi, dibidi bili na ng dibidi), nangyri dn to sakin, ni ultimo maggupit ng kuko di ko na mgawa at pumunta sa salon s kanto ng barangay naming para magpagupit sa Salonistang umaaus ng buhok ko every 2 weeks. Marami pang mga bgay ako na naranasan dhil sa pgging broken hearted ng di ko alam ang dahilan dahil sa bullshit™ na LDR n yan.
Isang buwan akong nasa grieving stage (mas mahaba pa sa panahon na pinagsamahan naming na halos kulang kulang isang buwan lang simul nung nagging kami) kea isang buwan n walanggupit ng kuko, wala pa sa sampung beses naligo sa isang buwan at isang buwan n walang gupit, puro yosi at alak lng sa loob ng room ko ang inatupag ko nun. Hanggang isang beses my isng taong nagsabi sakin ng ganto “ KELAN MO POPROBLEMAHIN YUNG PROBLEMA MONG NAGBIBIGAY PA NG MAS IKAKAPROBLEMA MO?’ natauhn ako, uu nga naman, madami na ko napabayaang mga bagay sa buhay ko na mas kelangan ko ipriority like ung mga pinamana sakin lupain sa Farm Town™, Farm Ville™, Buddy Farm™ ( shiiiiieeeet, lanta na silang lahat! Nalugi pako dahil sa Lecheng LDR yan!). Pati ung aso ko sa Pet Society™ marungis na, di ko na sxa nkilala at ako dn di nya kilala. . . After managing all my na abandoned na accounts, sarili ko naman ung inasikaso ko. Inuno ko ung pag dispose lahat ng pedeng mkakapagpaalala sa kanya, as in LAHAT! Lahat ng pictures naming pinagdedelete ko na, pati number nya na auko sbhing kabisado ko, still, binura ko pa din (just in case na nauntog ako at mareshuffle un number nya sa utak ko). The last bago ikasa ang baril e ung hygiene and grooming ko. Halo sige ligo, kuskos ditto kuskos duon para matanggala ang libag, todo shampoo, todo brush ng teeth todo suyo sa kapatid para linisan ung maladmonyo kong kuko sa paa at kamay, at ang finale, hairstyle! Pinaus ko sa salonista ko un parang tanga ko nang buhok. Pagkatpos ko sa lhat ng pagaaus ko s sarili ko, dahil sa pagpapabaya dahil sa relasyong parehas naming pinasok at di alam ang pedeng kalalabasan ay bigla ako napatingin sa salamin sabay banggit ng mga katagang “ang pogi ko na, anu ngayon na wla ka na?”.
Sa mga readers, my part 2 po tong blog na to, kasi hindi pa nagtatapos un kwento ko/naming dito, pagod nako e, umaga na di pa ko tulog! Hhihihih…
best... bitin ka talaga kahit kelan.... lols.... hhahah...anu ba yan.... hahaha... MGA FOLLOWERS AKO NA PO magtutuloy ng story.... eto po ung sunod na nangyi... AFTER THEIR BREAK UP... BLAHBLAHBLAHBLAH.....BLAHBLAHBLAHBLAH.....BLAHBLAHBLAHBLAH.....BLAHBLAHBLAHBLAH.....BLAHBLAHBLAHBLAH..... aun.... ayan po ung part two.... hahahaha.... lols....
ReplyDelete